Friday, August 24, 2012

Our Lady of Mediatrix - Lipa

It was 1991, may classmate ako sa pup na taga lipa (uwian sya lipa-pup everyday ADIK yun e) invite nya kami (barkada) sa kanila kase fiesta at saka may himala daw na nangyari.. meron daw image ni mama mary sa dahon ng buko sa kapitbahay nila..

kaya eto ang barkada larga na. typical fiesta, madami tao, marami handa, mga naka bihis kahit pagka init ng araw! hehe, at dinala nya kami dun sa puno ng nyog na meron ng small chapel sa ilalim at may mga picture narin silang nakuha mula dun, kase the time na nagpunta kami malabo na yung image sa dahon, sa picture nalang, pero pag tiningnan mo yung image sa picture-para lang natuyong parte at nanilaw na dahon hehe.. (bad ko)..

tapos dinala nya kami dun sa Carmel church sa lipa, pag pasok namin, aba, pagka tahimik na lugar, kahit humagikhik ka pakiramdam mo, ang sama na ng ginawa mo.. dumerecho kami sa right side andun ang image ni mama mary (the famous one)..

sabi ng classmate ko, yung isang image naman sa labas (garden groto) gumalaw daw yung damit habang nag lalaro yung mga batang naka kita, at meron nga daw shower of petals na nangyari, ang pagka kwento samin, panahon ng hapon nung unang nag himala dun..

http://www.christusrex.org/www1/apparitions/pr00013.htm

kaya nakaka intriga ang imahe, biruin mo, isang miraculous image? kaya akoy sabik nang pumunta dun sa imahe, at nakita ko sya, naka kulay puti, kakaibang itsura nya kesa sa mga dati ko ng nakita na puro burda, tanso ang damit, isip ko.. napaka simple lang, saka mukhang galing lang ng tayuman hehe.. (di naman maganda po ang imaheng ito, kaysa sa tayuman na mukhang mga cartoon character na)..

syempre dasal ng "SANA PO PUMASA AKO SA BOARD EXAM" hahaha! 4 na taon ko yan dinarasal di naman ako nag TAKE!!

bago kami lumabas dumaan kami sa souvenir shop at bumili kami ng kwintas na krus pare pareho kami (corny hehe) at ang maganda nun, na blessed nung paring andun, kase tinawag kami at nakipag kwentuhan..

sa labas, ano pa?? e di piktyuran na! parang wala lang kabanalang na experience hehe.. group pic hehe, pero syempre meron akong litrato ni mama mary, kinunan ko sya ng solo, last week naghalungkat ako sa room/warehouse ko, at nakita ko ulit yung picture, buo parin, nag isip ako? hmm... SIGN?? (17 years old narin pala itong picture na ito)

 

dati kona itong naka display lang sa lalagyan ng tv, pero ang tagal naring nawala, isip ko, siguro kaya nagkamalas malas ang buhay ko kase wala na sya sa piling ko.. (di nga?? hahaha).. eto na naman, nag hahanap ng dibersyon para sa kamalasang dinaranas hehe..

kapag may nangyari masama - GOD HAS A PURPOSE, kapag may nangyaring maganda - GOD'S BLESSINGS, kapag may nangyaring di inaasahan - GOD MOVES IN MYSTERIOUS WAYS, kapag may hindi ka makuha - GOD WILL PROVIDE IN HIS TIME.

ano pa ba?? hahaha.. isn't that just an excuse?? - nako, baka maramng magalit sakin hehe, ako naman po ay nagiisip lang..

ang totoo po nyan, eto tinago ko na yung picture, pakiramdam ko magdadala ito ng maganda sa buhay ko, kase nagkasama na ulit kami, at di ko na sya iwawaglit pa.. hmm.. lapit ko lang pala sa lipa mula dito sa calamba, minsan nga mabisita, 2 sakay lang naman..



No comments:

Post a Comment