Friday, August 24, 2012

TATAMPAL

 

Tatampal-madalas kapag pinag usapan ang seafood, isa ito sa mga favorite kong suggest, pero madalas din di alam ng mga kausap ko kung ano ang tatampal, sa navotas kase ito ang tawag sa kanya, kase literally pumipitik sya-nag curl close then sprang open using their tail na matulis to injure predator, kaya ingat kapag handle ng buhay nito..


Tagalog ba ang salitang tatampal? bansag lang ba ito ng taga navotas? ano kaya tawag dito ng mga taga probinsya dahil sigurado mas marami sa kanilang ganito, 10years ago meron pa nito sa manila bay, nahuhuli gamit ang sakag, nga lang maliliit, kaya di rin para kainin, ibinabalik nalang sa dagat.

nito ko nalang din nalaman ang english name nito MANTIS SHRIMP it makes sense kase meron syang arm na parang sa mantis na talaga naman matutulis-pang grab daw ng prey at yung arm na yun gamit ding pangpitik sa mga kalabang kapwa mantis shrimp kapag nag aagawan sa teritoryo or sa mate at maraming klase ng kulay pala nito siguro nag blend sa environment-national geographic.
anyways, bihira na ako makakita nito sa market kung meron man, maliliit (3 to 4 inches long) kadalasan payat pa (pag niluto mo wala na halos laman) at ang mahal 100/kilo.

ang masarap dito yung may aligi-hmmm.. sawsaw sa sukang maanghang at malambot na kanin (uuppss!! carbs! hehe) or di kaya i torta-yung meat nito i torta sa itlog! aaahhh!! tatay ko niluluto pa yan using banana leaf.
I prefer eating this kesa sa hipon (na pagkamahal na ngayon) ang tatampal parang cross ng lobster, hipon at alimasag hehe.. itsura na sa lobster na tangalin mo ang long exoskeleton para makuha ang laman, ang texture ng meat nito parang sa shrimp pero much tender at ang lasa more of like sa crab manamis namis..

pag niluto mo ito, mas mabango kesa sa alimasag or hipon or to some na pasosyal-yuk daw! (mukha mo yuk!) nowadays ang mga kabataan hindi na ito kilala (rare na kase) and even if you introduce such to them-mag inarte naman! (feeling?) i pity them they would never experience one of the best seafood around.. mapurga kayo sa tilapia hahaha!

O sige, naka ready na ang tatampal ko, bumili ako kalahating kilo, papakin ko lang para ramdam na ramdam ko ang sarap hehe-konti lang kase..

No comments:

Post a Comment