Friday, August 24, 2012

BOHOL the continuation - 2009

Panindigan na! nasimulan na e, kahit walang wenta hahaha..

- 1pm i left island city mall to check in sa LTS lodge (which is advised by a friend na cheap).. so sabi ko sa driver, LTS.. ok go, bayad 30 peso, ok lang..
pag punta ko sa counter, nyiiii.. dito sa manila ito yung motel sa mga recto? mga cheap motel? pero may law office sa ground floor hehe.. magkano ang fan room and aircon? 120 and 280 respectively.. sige aircon.. bayad, get the susi.. room 301.

pucha 3rd floor, hagdan, hirap pag obese!! room 301 asan ka.. nyiii.. katakot ang pasilyo.. parang 1970 pa itong mga design ng bldg.., there you go, room 301, ang laki, twin bed, aircon, malaki pero luma. tulog muna ako, di ko na kaya.. .... ngooorrkksss...

4pm, nagising ako, syet, ang ginaw.. grrroowwlll... oops! my stomach hehe.. bihis ako suray suray sa labas, malapit lang BQ mall, pasok sa loob buy ng bread/star peanut/beverages/chicharon baboy (the best)..

go back to the room by 5pm, read books, doc tin lend me-ngooooorrrkkksss...
8pm may nag text.. dito na ako sa pier, huwat? yung friend ko from maripipi, to naval, to ormoc to cebu now in bohol hehe..

after nya mag ayos, we ate dinner sa labas lang sa andoks.. we order. one whole jumbo chicken and 3 rice hahaha.. pinagtitinginan kami ng mga tao-WALANG PAKIALAMAN gutom kami.

11pm pucha ang init ng room!! kainis.. check the aircon, shet nagyelo! gising ko si manong, lipat kami ng room-dine bugnaw ang aircon.. ok sige, lipat na.. pag open ng aircon.. BBBRRRRRRR.. pakshet para lang motor ng bangka!! di bale basta malamig!!

10am meet the rest of the group sa ICS again, eat lunch and buy goodies.. rent taxi to panglao, nampuchang mama ito di kami dinala sa BBC, dun kami sa aloha kew dinala, scout kami ng mga rooms wala ng available na 6.. suray suray sa dulo, ayun nakakuha din, 3pm na! tara na mag balicasag tayo.. rent a boat, by 5pm nasa balicasag na..

HWAT!!?? may entrance 100?? for swim? tapos another 100 for snorkeling sa fish sanctuary.. WAG na. picture picture nalang.. ikot ikot, kodakan muna, aba yung mga kasama ko pala nakipag nego, ayun 150 each, with snorkle gear na.. SIGE na nga! di naman ako excited na sa ganyan, been there done that hehe..

as usual same fishes hehe-yabang. 600pm uwian na! got back sa panglao madilim na.. dinner muna, shet ang mahal, parang galera, pare pareho menu at price! 3 kami 560.00 walang drinks yan, bawi nalang sa room dami tinapay hahah..

ano na? aga pa ng gabi, kwentuhan muna, teka, ano yun? wow! sari sari store! tara buy na ng alak! pabili nga vodka/tonic water and sprite.. aba! ganun din x2 ang price. yaan mo na pag alak talaga ang pera lumalabas..

sarap kwentuhan, dami na namin 13 kami.. orderan na ng pulutan hehe, sabi ko na e, may bubunot din dyan, at round 2 pa?? SAYA SAYA!!

11pm tulog na.. 1am.. hwaarkk!! 2am hwaarrkk!! MAY UWAK?? hehe.. 8am gising na, 9am bfast tayo, san dyan na naman? hindi sa kanto may mura.. sige tara..

DAY2
ayun, isang buo pusit at ginataang langka, 2 rice and softdrinks 80 pesoses hehe..

9AM, bilis bilis, sayang oras.. unang destination, blood compact (panget) next, tarsier (cute-pero kawawa sila) next baclayon church (ganda) next LOBOC river.. entrance 300.00 includes lunch.. 1130am, start na ang eating, 12nn, start ng mag cruise, ganda ng loboc, sabi sa gabi daw, better dahil sa lights (donated by ben chan-bench).. kodakan ulet..

from loboc, punta kami choco hills, dami tao! nagdidilim na.. kodakan ulet.. hayan na ulan! takbo!! shet ang lakas.. big snake naman, ang laki overweight na. may nag perform pa, kamukha ni michael v. eewww. panget!!! tapos butterfly farm, asan ang butterfly? hehe.. mga 10 lang ata nakita ko, LUGI..

THEN, by 4pm nasa SIKATUNA na kami, bayan nila vic, ayos gamit, bihis ng damit-KAINAN NA!! fiesta e.. sarap ng nilagang baka, lecho kawali, menudo, kaldereta, shanghai, humba.. LAMON sige.. hehe..

after tong its isang grandeng beer at isang 1.5 na pepsi, tulugan na.. siksikan syempre, at kontest palakasan ng hilik hehe..

DAY3.. gising aga, ligo na ulet, dami e, pila pila, 10am, KAINAN na naman!! woohoo! same menu, ay may bago, lechon de leche, ang sarap!!.. after eating, hilata, tambay, inom sabay buko, 12nn KAIN ULET DAW?? waaahh ayoko na!! tiramisu nalang akin.. 1pm alis na ulet, BALIK daw ng panglao - hwat?? (wala na kami pera!!) dun daw sa dumaluan, sa tabi ng Bohol beach club hehe.. daan muna sa CAVE.. may lake sa loob, ang dilim ang init, hindi malamig ang tubig, di ko gusto, pero sa iba maganda nayun siguro...

pag labas ng cave, tagaktak pawis, ride again punta na beach dun nalang daw matulog sa public beach - table cottage. SIGE GAME! ako pa! ganda ng beach kesa sa kabila, ganda sand mas malawak..
kainan time, grabe, sarap kumain! lechon nagbaon kami at lechon kawali - HI-BLOOD! hehe..
take a dip na, magdidilim na.. sarap tubig, lowtide.. teka, uulan?? takbo! baka mabasa hehe, joke lang, lang yang kidlat ang baba! waaahhh..

o pano na? makaka tulog pa ba dito? tara, tagbilaran na tayo matulog-shet again, wala na naman sa budget, angal pa?

rent ng van, hatid kami sa JJ SEAFOOD resto, may mini hotel sa likod, good for 15person 3,500.00 PWEDE! check na kami at dip sa pool nila, 9pm.. kanya kanya ng kanta. ako ang finale syempre, papatalo ba ako sa hilik? hehe..

DAY4, 6am gisingan na sila, ligo at bihis, nag bfast, ako gumising 8am, di na bfast wala na ko pera!! may suman naman at bread dyan (pastel from camiguin hehe)...

10am alis kami hotel, punta ng pier (parang kabilang kanto lang pala).. 1130 alis oceanjet to cebu.. dating kami cebu 1pm na almost.. sakay taxi sa SM, nagoyo na naman kami 200 -4 kami, kabilang kanto lang, yaan mo na nga!

checkin baggage sa sm tourist lodge, suray suray ulet, sa sto nino cathedral, sa magellans cross at sa taboan (dried fish) ang pangit ng cebu! ang dami tao, ang gulo, ang dumi parang RECTO lang..

4pm back to SM eto ang maximum gutom! order ng sweet and sour fish saka humba again hehe, 2 rice and water nalang dear..
6pm rode taxi to airport.. taas tulay WOW!! my 2nd time.. 7pm naka book na kami 9pm pa ang flight, nguya muna, kwento, picture at hilata.. finally 830pm boarding na.. lekat! ang dami a, pang international ata yung plane 3 section.. dun kami sa UNA.. bago ang buntot hehe..

medyo mabako ang daan hahaha, malakas siguro ang hangin, 10pm nag land na kami, picture na naman syempre, 11pm nasa baclaran ako sumakay ng jeep pa alabang na dumaan ng tambo/laspinas/zapote, nampucha yan o! gago kase yung taxi sinakyan namin imbis na idaan ako sa sucat, hmp!!

alabang wala ng bus pa calamba, sakay ako bus pacita, then, jeep crossing, then canlubang, dumating ako dito 1am-waaahhhh..

sobrang antok at pagod, pero syempre wala ng sasaya pa makita mo ang 2 mong dog na ang baho baho at ang dumi dumi pero tuwang tuwa silang makita ako, unahan silang sumampa sa akin, kakandong, sabay gulong sila sa sahig, kuskos ang mukha (sign of happiness) ..

sarap ng feeling..

tulog ng 2am..

END!   - buti naman hehe..

No comments:

Post a Comment