Friday, August 24, 2012

Mash Men family and friends

Natuloy din kami, tagal naring hindi nagkakasama sama ang maskmen, sinama namin ang mga kaibigan at pamilya pagpunta sa isla na first time din naming pupuntahan.. at first time din naming makasama ang nanay ko sa ganitong lakwatsa, sana ay makasama pa sya sa mga susunod na lakad, dumating kami sa mauban quezon ng 8am, 10am pa ang alis ng bangka, namalengke muna kami ng mga pagkaing dadalhin namin doon..

bumili kami ng isang buong mahi mahi, pang ihaw at sigang, assorted na isdang sariwa, from red snapper to talakitok and sapsap.. saka yellow fin tuna, pang kilaw..

pag dating sa isla, kelangan pa naming maglakad ng mga 30mins sa talahiban para marating ang kabilang parte ng isla kung saan andun ang aming resort..

medyo untidy ang resort, wala kase gaanong bisita kaya hindi nila gaanong pinaganda, may mga kalat sa beach (sea weeds) na suppose to be ay kinakalaykay..


pag dating, dali kaming nag luto, marami na ang gutom, pagkatapos kumain ang iba ay derechong natulog, ako naman ay nagkape habang nakahiga sa bench.. at dun narin inabot ng antok.

makalipas ang oras, pinilit ko ng gumising, malamig na kase ang hangin at sayang ang oras, wala ng panahon sa mga dapat pang gawin, nilakad ko ang dalampasigan at nagkalaykay sa buhanginan.. LOL.. hanggang isa isa ng gumising, at nagsama sama na sa ilalim ng puno..

inilabas na ang tequila.. 4 palang kaming gising ang maskman, si blue, yellow, pink and red. si black kase nasa dubai pa.. di na namin nararamdaman ang lamig ng hangin, puro tawanan na kami, hanggang sumalo na ang lahat.. paubos na ang alak, bitin.. simula narin umambon, at dali kaming sumilong sa pasilyo ng aming kubo..



dun namin tinuloy ang kwentuhan, kain at inum.. may nakakatawang kwento, malungkot, nakakatakot at malalim.. mag hatinggabi simula ng umuho ang

tubig sa dagat at isa ito sa gusto kong makita sa lugar na ito, dala ang flashlight, naglakad ako sa dagat, sinamahan ako ni blue, mga isang kilometro na ang nilalakad namin, etong tangang si blue, di nag sinelas, ayun at nagka tinik tinik sa bato.. LOL  nagsimula narin mamatay ang dala naming flashlight, nakupo ang dilim.. pero ang maganda nito.. sa bawat dantay ng hakbang ng paa namin sa tubig ay may umiilaw na parang alitaptap sa tubig.. dinoflagellates

http://www.assurecontrols.com/info-dinoflagellates.htm


natapos ang kwentuhan alas 12 na ng hatinggabi.. kinabukasan pag gising, muling humupa ang tubig at natunghayan namin ang OA na lowtide dito.. hehe.. naglakad kami sa buhanginan hanggang makarating sa isang batuhan sa dulo, walang nakapaligo kasi ay malamig ang hangin at tubig.. inubos nalang namin ang oras sa pagluto ng almusal at pag laro ng in-between. hanggang dumating ang takdang oras ng paguwi, problema ay bumubuhos ang ulan, kaya wala kaming choice kungdi, isuot ang mga basang damit namin at mag lakad sa ulan.. bago kami sumakay ulit ng bangka ay nakapag palit naman muna sa bahay ng mayari..


pag dating ulit sa mauban, andun na ang aming sasakyan, kumain muna kami ng pansit paghahanda sa mahabang byahe, dalawang order ng pansit habhab, miki bihon at sotanghon..
medyo nakaka inip ang byahe pauwi pagkat sa kabilang daan kami bumaybay dahil baka nagputik na dun sa dinaanan namin kahapon dahil sa pag ulan..

abot na ang inip at ako ay naihatid na rin dito sa laguna, sila ay may 3 oras pang byahe pa manila..

No comments:

Post a Comment