Friday, August 24, 2012

blog arcive - pulag


This picture was taken atop the summit of Mt. Pulag, syempre for every mountaineer dream come true ito, it doesnt matter kung san ka nag ascend (ambangeg kami hehehe) what matter is you experience the beauty of nature.. few are given a chance to witness those clouds, yung mga bad people di nakikita yan hehehe..
There is so much anticipation, pero madali lang pala (ambangeg) i dont know kapag akiki trail ka na.. may nakasalubong kami pababa sa akiki trail, papanik sila mga mukhang basahan na.. di na sila mukhang tao!
dito ko na experience ang ma hypo. i am not wearing my jacket inside the tent so nakalapag lang siya. plan ko makipag socials (around 6pm) lumabas ako ng tent hawak ko ang jaket ko, syet ang lamig, so dalidali kong sinuot ang jaket ko, e nampucha malamig na pala jaket ko din e di nagdoble lamig, hala, ramdam ko yung spine ko nag vibrate, langya takbo ako pasok agad sa loob ng tent.
Humiga ako nagbalot ng sleeping bag, ayaw matanggal lamig, yung kamay ko darang ko na sa kandila sa loob ng tent, giniginaw parin ako, di ko na alam gagawin ko, nag papanic na ako. yung kasama ko naman, clueless (well actualy all the time, peace!). mabuti nagtimpla siya ng kape, at ginawa nya yun hindi dahil sa alam nyang makatulong iyon, kundi, gusto nya kaseng magkape, aba nagdala ba naman ako ng Gloria Jeans coffee Capuccino.
Wala din akong malay na makatulong iyon, humingi ako, nampucha, its a miracle, pag daloy ng maligamgam na tubig sa lalamunan ko para akong na magic, sa mga may hika parang bigla kang binombahan ng inhaler during your attack. ganun, kabilis at kasarap ang feeling..
delikado din dahil at one time na pababa sa akiki, napaliyad ako, nakatalikod ako sa bangin, pag hawak ko sa pine tree, nabakbak ang balat, mabuti narecover ko ang pagliyad ko kundi GAME OVER.
Praning ano? nagpapakahirap sa ginagawa, muntikan pa mamatay, pero inuulit naman! JESUS!

No comments:

Post a Comment