Friday, August 24, 2012

blog arcive -maculot



May trangkaso ako nyan, sabado, byernes palang tumutulo na ang sipon ko ng hindi ko namamalayan, eow!! pero makakatanggi ba ako sa climb? ito ang buhay ko (pathetic) 1 buwan itong pinlano, papatalo ba ako sa sakit lang? saka, pasimuno, back out? nakakahiya sa mga kinulit ko.
Sumama ang mga taga bangko, haay nako, kase laging naka upo kaya ayun, nahihilo, natutumba, umiiyak, nasusuka, in short pasaway.. next time ha? magbanat ng konti bago pumanik, may isang kaibigan na pinainit pa ulo ko bago pumanik, umoo tapos hindi pala, mabuti nagawan paraan kaya't kahit huli, nakahabol din (di ba JO?).
Namputcha, heaven ang feeling, kasama ko ang mga taong gusto mo makasama sa lahat ng bagay, aanhin ko ang mga bigtime, di naman ako turing na friend diba? dito nalang ako sa mga ito, na kahit walang wala ka na.. stick parin, ayos!
mabuti din may dalang digital camera ang isa samin, kayat ayan, post ng post ng picture hehehe.. magkano bayun? sabi ni jo.. 30,000 yan (YEN) pala hahaha..
Bago umuwi, kahit parang binugbog na pakiramdam ko, matanggihan ko ba ang imbita ng isang kaibigan? e chibog yun!! aba, e di GO. punta kami haus ng isang kaibigan, nampucha, ang yabang, ganda ng HAUS inggit ako, nangarap tuloy ako bigla,  ang diyos talaga mabait sa mga taong mabait.. hay, kailan kaya ako babait??
eto, pag uwi di ako nakapasok 2 araw, may trangkaso na may hika pa. san ka pa, hindi man lang ako pumayat kahit konti ganun parin, 5 araw na nakalipas may ubo sipon parin ako, halak pa kamo, eooww! kala nyo kayo lang nandidiri, ako kaya lalo, may choice ba ako?
O panik daw ulit next week, patay kelangan maka produce digital cam, magkano bayun, bili ako sampu!

No comments:

Post a Comment