Ang alamat ng MASKEM.. isang boring na araw nagyaya ang inyong lingkod na pumanik ng
bundok kase may pera na naman! hehehe.. sa ginawang schedule hindi ito natuloy dahil sa bagyong dumating at ang ibang kasama di narin pumwede, kaya nagisip nalang ng ibang lugar at nagkaron ng ibang kasama doon ko unang nakasama si BLACKMASK at PINKMASK.. hindi pa sila MASKMEN nun.. tapos si BLACKMASK nagyaya ng calatagan, beach daw as kanyang hometown, biglaang yaya, walang plano! mas masaya! hehehe tinawagan ko si PINKMASK at ayun, walang dalang damit, nanghiram lang arya na!
Isang lumang kaibigan ang muling sumungaw at aking nakausap, nagdaan sa problema ng buhay kaya't gustong magliwaliw, kasabay ng
despedida ni BLACKMASK kase punta naraw siya ng dubai, heto na naman ang inyong lingkod, aligaga kung san pupunta hanggang maungkat ko ulit ang tingloy na noon ko pa pangarap mapuntahan, sa aking pag saliksik, matagumpay namin itong narating.
Dito sa Tingloy nabuo kaming lima, sa lima 3 ang close ko pero sila hindi magkakilala, at yung isa hindi ko ka close lalu na ng 4 din, gulo ano?? anyways, syempre ng dahil na naman sa alcohol nabuo ang bonding! ewan ko ba at ang isang kasama ay may ringtone ng MASKMEN at napagkatuwaang patugtugin, at dun nagsimula ang lahat..
Lingid sa aking kaalaman sila sila pala ay nagka palagayang loob narin, nagka hingahan ng sama ng loob at nagkaron narin ng tiwala sa isa't isa. simula noon ay naging masigla lahat sa mga bagay na mayron kaming pagtitipon o daupang palad.
Mga biglaang yaya ng kain o inuman, wag di magka yayaan, mag undertime, mag sinungaling para makatakas sa bahay, mag OT kunwari, uuwi ng alas 4 ng umaga at gigising ng alas 7 para mag trabaho, mga taga navotas, alabang, laguna, cavite magkikita sa pasay.. mga kabaliwan ng utak magkita kita lang!!
Nasundan pa ito ng isang lakad sa may ANAWANGIN na sa pakiramdam ko ay ang pinakamahirap planuhing lakad na pinagdaanan ko. nasubok ang kakayahan ko dito na pairalin ang aking talino at kakayahan upang makamit ang nais mangyari! at buong pagmamalaki kong natagumpayan ko ito, kami ay nagkasama sama sa isang napaka gandang lugar! na lalung nagbigay tibay sa dikit ng aming samahan!
Mayroon nga pala kaming isang laging kasama hindi pa namin sya naiimbitahan na sumanib sa aming kulto heheh dahil marami narin syang grupong inaaniban, gusto namin syang maging si GREEN MASK pero hindi na kami maskman kung gayon, kundi BIOMASK MAN na kami! hehehe.. sana dumating ang panahon na lagi narin namin syang makasama sa lahat ng lakad kahit na madami naman syang pagpilian..
Ilang linggo narin kaming hindi nakukumpleto, pagkatpos ng April 9. sabi nila miss naraw nila ang grupo namin.. sana nga ay magkita kita na kami, sana nga sa darating na panik ay makumpleto ulit kami.
Ang mga taong ito ay hindi lamang sa saya makakasama, andyan sila sa lahat ng panahon hindi lamang sa kasaganaan kundi lalu na sa tag gutom, wala mang sapat na materyal na bagay para i alay at pagsaluhan, punong puno naman ng pakikisama at kagandahang loob para sa isa't isa. ang damdaming makatulong hindi lamang sa materyal na bagay kundi sa emosyonal at sikolohikal na pinagdadaanang pagsubok ng bawat isa sa amin.
Napakahirap humanap ng tunay na kaibigan, sa dami ng aking nakilala, ang mga ito ang isa sa totoo. at ako ay nagpapasalamat at nakilala ko sila..
No comments:
Post a Comment